Mga deboto – dumagsa sa ‘Penintential Walk with Jesus’ sa Cebu

Hindi mahulugang karayum ang Osmeña Boulevard sa lungsod ng Cebu simula sa Funete Osmena Circle papunta sa Basilica Minore del Santo Niño ng dumagsa ang libo-libong mga deboto sa isinagawang penitential walk with Jesus, ang aktibidad na naghuhudyat ng pagsisimula ng 459TH FIESTA Señor at Sinulog Philippines 2024.

Nalaman na alas 2 pa lang ng madaling araw kanina ng nagsidatingan ang mga deboto sa Fuente Osmena kung saan sinimulan ang naturang solemn foot procession.

Agad namang sinimulan ang deployment ng Task Force Sinulog upang masigurong payapa na maidaos ang naturang religious activity.

Hinigpitan rin ng Cebu City Police Office ang ipinatupad na security measures kung saan, daandaang mga tauhan ng pulisya, AFP, Philippine Navy, Coast Guard, Bureau of Fire Protection at ibang mga kasapi ng force multipliers ang i-deneploy sa rota ng prosesyon haggang sa loob at palibot ng Sto Nino Church.

Hanggang sa mga oras na ito, wala namang naitalang untowards incident ang pulisya na may kaugnayan sa naturang aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *