Government Internship Program ng DOLE, magpapatuloy ngayong taon

Magsisimula nang muli sa summer season ang Government Internship Program o special program para sa employment ng mga estudyante.

Sa naging panayam ng Brigada News Team kay DOLE Technical Support Services Division Chief Laura Diciano, sa ilalim ng batas ay pinapayagan ang mga estudyanteng kabilang sa mahihirap na pamilya na maging benepisaryo ng GIP.

Aniya, ang edad ng mga ito ay nasa 15-30 kung saan ang sasahurin nila sa kanilang internship ay ilalaan upang mayroong gamitin sa kanilang pag-aaral.

Paliwanag ni Chief Diciano, hindi lahat ay babayaran ng DOLE dahil mayroon ding counterpart ang mga Local Government Unit na kalauna’y ina-absorb ang kanilang interns.

Bukod dito, maaari ding maging magtrabaho ang mga GIP beneficiaries sa mga private establishments ngunit ang scheme ng bayaran ay 60% mula sa kumpanya at 40% naman ang mula sa DOLE.

Ang mga interns ay idine-deploy sa mga national government agencies, LGU. Barangay, hospitals at schools.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *