Mga depektibong traffic lights, kukumpunihin na ng DPWH-3

Naka takda nang kumpunihin ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang mga depektibong traffic lights ngayong taon.

Ayon kay DPWH Regional Director Roseller Tolentino, maliban sa pag pagpapatupad ng mga naka linya nilang proyekto sa rehiyon ngayong taon, isa pa sa bibigyan nila ng pansin ang rehabilitation ng mga existing traffic signals sa mga major intersection sa kahabaan ng Manila North Road at JASA.

Matatandaanan na umaani ng sanga-sangang reklamo ang mga depektibong traffic lights mula sa mga motorista.

Samantala ilan naman sa mga malalaking proyekto ng DPWH ngayong 2023 ay ang Lubao-Guagua-Minalin-Sto. Tomas (LGMST) Road at ang Palihan-Mabiga –SBMA Access Road.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *