Mga kalbong pabalik-balik sa isang barbershop sa Italya, nabistong hindi pagpapagupit ang sadya kundi ang pakikipagtransaksiyon sa iligal na droga

Magtataka ka rin ba kung paulit-ulit ka na lamang makakita ng mga kalbo at wala man lang balbas na laging pumapasok sa isang barbershop?

Nagtataka kasi ang mga otoridad sa ganitong insidente dahil sa wala naman umano silang buhok para magpabalik-balik sa sa nasabing establisiemento sa Italy.

Napag-alaman na matagal na pala nakatatanggap ng report ang mga otoridad na mayroon umanong drug dealing activity sa Foce District sa Genoa City ngunit hindi nila matukoy kung saan mismo sa lugar.

Sa kanilang ginawang imbestigasyon, dito na nila napansin ang mga kalbo na laging pabalik balik sa isang barbershop.

Dito na nga nadiskubre na pumupunta pala rito ang mga ito upang makipagtransaksiyon para sa iligal na droga.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *