Mga mag-aaral ng Imulnod Elementary School sa Brookes Point, nanawagan ng maayos na tulay

Idinaan sa social media ng mga mag-aaral ng Imulnod Elementary School ang panawagan nila sa kinauukulan na magkaroon ng maayos na tulay patungo sa paaralan.

Ayon sa nilalaman ng bukas na liham na pinost ng Dep Ed Tayo Imulnod Elementary School, nais ng mga Grade III pupils na maayos ang tulay na sinira ng pagbaha noong Enero ngayong taon.

Dalawang tulay sa Imulnod ang sinira ng matinding pagbaha noon ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito napakikinabangan.

Gayunman, ayon kay Ms. Maylyn Dilig, tagapagsalita ng Dep Ed Palawan, ang pinaka-apektado sa kawalang ng tulay ay ang mga matatanda at mga guro na galing pa sa kabayanan.

Kaugnay nito, idinulog na umano ng PSDS sa Lokal na Pamahalaan ang tungkol sa kahilingan na tulay ngunit kinakailangan pa umano rito ang malaking pondo.

Hindi na rin umano kailangan pa ng mga bata na dumaan pa sa tulay bago pumasok sa paaralan maliban kung pupunta sila sa bayan dahil pinalilibutan na ng kanilang bahay ang mismong eskwelahan.

Samantala, para sa kaligtasan ng mag-aaral ay pinaalalahan ang mga ito ng mga guro na mag-ingat sa pagtungo sa paaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *