Mga magsasaka sa Bato, Camarines Sur panalangin na ang tuloy-tuloy na pagganda ng panahon

NAGA CITY- Maganda man ang panahon sa Camarines Sur hindi pinadaanan kahapon Peb. 23, 2023 ang San Vicente – Bacolod Spillway bayan ng Bato dahil sa taas ng lebel ng tubig.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Bacolod Punong Barangay  Fernando Elpedes sinabi nito na bumababa pa ang mga naipong tubig mula sa lalawigan ng Albay. Dahil sa pagiging catch basin  ng bayan, wala mang gaanong ulan sa Camarines Sur nadaragdagan ang lebel ng tubig kung maulan sa katabing probinsya.

Kaya naman problemado pa rin ang mga magsasaka, hindi pa rin nakakatamin ang karamihan sa kanila dahil baka mabulok muli tulad noong Disyembre. May tulong sanang abono ang Department of Agriculture  (DA)- Bicol pero karamihan sa mga sakahan matubig pa rin. Dagdag pa sa pasanin ang nakatambak na water lilies.

Panalangin nila magtuloy-tuloy na ang magandang panahon sa  Albay at Camarines Sur o kahit pa sa buong Bicol Region upang makapagsimula na ang mga magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *