Mga magsasaka sa Bicol, walang problema sa patubig ng NIA; mababang presyo ng palay, pinoproblema

NAGA CITY – Walang problema sa mga magsasaka ang patubig ng National Irrigation Administration o NIA sa Bicol Region.

Ito ang kinumpirma ni Confederation of Irrigators Systems Association of Bicol o CISAB President Daniel Estrella.

Aniya, hindi naman nagkukulang ang tubig na kailangan ng mga tanim na palay lalo na para sa probinsya ng Camarines Sur at Camarines Norte, maganda din ang ibinibigay na serbisyo ng NIA, may mga pagkakataon lamang na nagkakaroon ng problema kapag sobrang maulan dahil dumadami ang tubig at kapag tag-init, kung saan hirap ang ilang sakahan dahil nasa mataas na bahagi.

Ang pinaka problema nila ngayon ay ang mababang presyo ng palay na halos naibebenta na lamang nila sa P10.00 kada kilo sa panahon na maulan, maging mga drying facilities kulang na kulang rin sila kaya minsan napipilitan silang ibenta sa mga malalaking traders.

Kaya naman panawagan ng opisyal na taasan ang presyo ng palay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *