Mga nag-apply ng bagong MTOP sa Koronadal, mahigit libo na!

KORONADAL CITY — NASA 1, 200 pa lamang mula sa 3, 124 slots ang nag-apply para sa bagong motorized tricycle operator’s permit o MTOP sa Koronadal na binuksan ng City Franchising Office sa loob ng limang araw sa Rizal Park.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Karen Pacardo, City Franchising Officer, kinumperma nito na sa nasabing bilang 814 ang nakapasa habang 386 naman ang hindi pa dahil sa kakulangan ng mga dokumento kung saan babalik pa ang mga ito para sa ilang rekisitos.
Inihayag nito, na dapat kompleto ang mga papeles o dokumento na-niririquire upang hindi maantala ang aplikasyon.

Nilinaw nito, na mayroon pang franchise hearing na isasagwa at doon na malalaman kung nakapasa ang isang aplikante o wala.

Samantala, wala pang dealine kung hanggang kailang ang kanilang pagtanggap sa mga aplikasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *