Mga nais maging parte ng Mata ng Kalsada force multipliers maaaring makipag-ugnayan sa PHPT Zambales

OLONGAPO-Hinihikayat ng Provincial Highway Patrol Team ng Zambales ang mga indibidwal na nais maging bahagi ng Mata ng Kalsada program bilang force multipliers.

Ito ay programa ng PNP kung saan ang mga magiging volunteer ay magsisilbing katuwang ng Highway Patrol sa crime prevention at anti-insurgency campaign.

Ayon kay Pcapt. Robin Jay Fajadro, team leader ng PHPT Zambales, maaaring makipag-ugnayan sa kanilang opisina na matatagpuan sa Barreto, Olongapo ang mga nais na maging bahagi ng programa.

Kinakailangan lamang magdala ng personal data sheet at ng police clearance para makapagproseso.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person, food and text that says 'nigari にがり Ca CALCIUM IN NIGARI IS AN ESSENTIAL MINERAL THAT MAY HELP TO INCREASE YOUR APPETITE SHOP NOW! Lazada'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *