Mga negosyo na nagparehistro sa business permit licensing sa Legazpi City, Albay, tumaas ng 13% kumpara noong 2021

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Business Permit Licensing Office (BPLO) ng lunsod ng Legazpi, Albay na tumaas ngayong taon ang mga nagpaparehistro na mga negosyo.

Ayon kay Asuncion Calleja, chief ng BPLO, mula sa 5,200 negosyong nagparehistro noong 2021 ay pumalo ito sa 5, 915 o katumbas ng 13.75% ngayong taon upang simulan o ipagpatuloy ang kanilang operasyon.

Aniya, ang pagtaas na ito sa gitna ng pandemya ay dahil sa unti-unti nang bumubukas at gumaganda na ang mga operasyon ng negosyo sa lunsod at ang buong operasyon ng Electronic Business One Stop Shop o E-BOSS ng lungsod.

Aabot sa 715 ang mga bagong rehistradong establishment sa kasalukuyang taon habang 5,200 ay nagpatuloy sa kanilang operasyon mula noong nakaraang taon.

Dagdag pa nito, ang lahat ng mga may-ari ng negosyo ay madaling makakuha ng kanilang mga permit sa pamamagitan ng pagpapatupad ng E-BOSS, isang electronic system kung saan ang kanilang tanggapan, ay konektado na sa lahat ng mga regulatory office na sangkot sa business licensing.

Sinabi pa nito, ang mga aplikante ay hindi na nananatili sa mahabang pila para hintayin ang pagproseso ng kanilang mga business permit, dahil ito ay pinoproseso na ngayon ng mga regulatory office gamit ang Enhance Tax Revenue Assessment and Collection System (ETRACS).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *