Mga obra para kay Inang Peñafrancia the Marian Art Exhibit

NAGA CITY – Pormal ng sinimulan ng Quadrant Art Group kasama ang Visioknights Multimedia ang MAGNIFICAT 2023, the Marian Art Exhibit sa ground floor ng VistaMall, Naga City.

Sa pakikipanayam ng Brigada News FM Naga kay Erwin Segui, founder ng nasabing art group, layunin ng exhibit na mag-alay ng pasasalamat kay Inang Peñafrancia sa pamamagitan ng pagpinta at pagbebenta ng mga obra patungkol kay Ina na nilikha ng kanilang mga pintor.

Isa itong exhibit for a cause dahil ang malilikom nilang pera mula sa pagbebenta ay kanilang itinutulong sa mga kapos- palad na nangangailangan. Nasa 2,000 ang pinakamurang obra na mabibili sa kanilang exhibit at nasa 50,000 naman ang pinakamahal.

Magkakaroon rin sila ng art workshop tuwing Sabado at Linggo na magsisimula sa Setyembre 9 hanggang Setyembre 24 mula ala una hanggang alas-5 ng hapon para sa mga gustong matuto at mapalawak ang kaalaman sa larangan ng pagpinta. Kinakailangan lamang na bumili ng kahit anong art materials sa Paper & Co. sa halagang 500 para magkaroon ng libreng slot sa 6 na session ng workshop. Binuksan ang nasabing exhibit noong Setyembre 4 at magtatapos sa Setyembre 24.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *