Mga retirement benefits ng dismissed na pulis na Wilredo Gonzales, pinapasauli na ng PNP

Pinababalik na ng Philippine National Police ang nasa 500k na retirement benefits ng nadimissed na pulis na si Wilfredo Gonzales na nasangkot sa road rage kamakailan sa Quezon City.

Ayon kay PNP etirement and Benefits Administration Service Director, PBGen NiƱo David Rabaya, dapat nang ibalik ni Gonzales ang retirement pay na kanyang natanggap mula taong 2016 hanggang 2018.

Sakaling hindi ibalik ni Gonzales ang nabanggit na halaga maaari raw magsampa ng civil case ang PNP laban sa dating pulis.

Si Gonzales ay na-dimissed sa serbisyo noong 2018 pero 2016 pa aniya ito nagretiro matapos maabot ang mandatory retirement age na 56 yrs old.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *