OVP, nanindigang ‘necessary’ ang higit 400 security personnel

Hindi rin nakalusot ang usapin sa 433 security escorts ng Office of the Vice President (OVP) sa paghimay ng mga Senador sa kanilang hiling na P2.385Billion 2024 Budget.

Sa pagharap nila sa Senado – idiniin ng OVP na ‘necessary’ ang naturang bilang ng mga security personnel para masiguro raw ang kaligtasan ng incumbent at mga paparating pang vice presidents ng bansa.

Idiniin pa ng OVP na ang naturang bilang ng mga tauhan ng Vice Presidential Security and Protection Group ay naaayon naman sa assessment ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP).

Nilinaw naman ni Senate Finance Committe chair Senator Sonny Angara na hindi raw sabay-sabay ang duty ng mga ito.

Paliwanag ni Angara, hiwa-hiwalay ang kanilang oras ng pagta-trabaho gaya na lamang ng ‘pag mayroong mga advance party sa bawat out of towns ng vice president.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *