Mga scheduled power service interruption mababawasan na kapag nailipat na lahat ng poste ng kuryente na apektado ng road widening projects ng DPWH

CAMARINES NORTE- Mababawasan na umano ang mga scheduled power service interruption kapag nailipat na lahat ng poste ng kuryente na apektado ng road widening projects.

Ito ang inihayag ng Camarines Norte Electric Cooperative sa gitna ng linggo- linggong brownout sa iba’t- ibang lugar sa lalawigan na kadalasang tumatagal ng maghapon.

Sa kanilang lingguhang programa sa radyo, sinabi ng pamunuan ng Canoreco na maraming poste na apektado ng road widening projects ng Department of Public Works and Highways ang kinakailangang ilipat.

Kapag natapos na umano ang mga paglilipat ng poste dahil sa mga road widening projects ay mawawala na ang mga scheduled power service interruption na may kinalaman dito.

Sinasabayan na rin daw ng clearing of lines kapag may scheduled brown out.

Kailangan umanong gawin ang clearing of lines upang tanggalin ang mga sanga ng punongkahoy na malapit sa poste ng kuryente na kapag tumatama ay nagiging dahilan ng emergency brownout.

Ngayong araw ay makakaranas ng siyam na oras na pagkawala ng kuryente o mula alas 7 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon ang ilang Barangay sa Labo tulad ng Malangcao-basud, Calabasa, Pangpang, Maot, Pag-asa, Daguit, Macogon, Exciban, Dumagmang, Sitio Magtaganki, Bagong Silang 1 gayundin ang Brgy. Tamisan sa Jose Panganiban.

Dahil ito sa gagawing paglilpat ng poste na apektado ng DPWH Road Widening Project.

Siyam na oras ding walang kuryente ang Barangay Malibago, Malaya, Canapawan, Cabatuhan, Tigbinan, Bayabas at Guisican sa bayan ng Labo gayundin sa Brgy. Villa Aurora, Villa Belen at San Antonio sa Capalonga at buong bayan ng Sta. Elena.

Dahil pa rin ito sa relocation ng mga poste na apektado ng DPWH Road Widening Project at Clearing of Lines.

Magkakaroon din ng power service interruption ng siyam na oras sa halos lahat ng Barangay sa Highway block ng Basud na kinabibilangan ng Langga, Mantugawe, Pagsangahan, Binatagan, San Felipe, Guinatungan, Plaridel, Caayunan, San Pascual at Tuaca.

Kasama rin sa mawawalan ng kuryente ang ilang Barangay ng San Lorenzo Ruiz tulad ng San Ramon, San Isidro, San Antonio, Salvacion at Manlimonsito.

Dahil naman ito sa construction ng 3 Phase Line  na isang CAPEX Project.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *