Mga selda sa prov’l jail sa SoCot, hinalughog

KORONADAL CITY – WALANG nakuhang illegal na droga ang mga tauhan ng PDEA Region-12 sa ginawang greyhound operation sa loob ng South COtabato Rehabilation and Detention Center o SCRDC.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay OIC jail warden Lory Celeste ng SCRDC, kabilang sa mga nakuha ng mga otoridad sa mga selda ng mga preso ang 23 lighter, tatlong improvised deadly weapon, apat na cellphne at apat na set ng playing cards.

Dagdag pa ni Celeste na bago paman ginawa ang greyhound operation sa bawat selda ng mga preso, kinakapakan muna ang mga ito at pinapunta sa basketball court ng provincial jail.

Maliban sa greyhound operation, giniba din ang mga barong-barong ng mga preso sa loob ng provincial jail.

Matatandaan na nasa 1,508 ang kabuuang preso sa loob ng SCRDC na kinabibilangan ng 1, 431 na lalaki at 77 na babae.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *