Mga tanggapan ng pamahalaan, pinagtitipid ni Pangulong Marcos sa paggamit ng kuryente

Hinimok ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga tanggapan ng pamahalaan na magtakda ng standard sa pagtitipid sa enerhiya at pag gamit ng kuryente.

Kasunod ito ng pagdedeklara ng yellow at red alert sa Luzon grid kahapon.

Kaugnay nito, inatasan rin ng Pangulo ang Department of Energy na mahigpit na i-monitor at makipag ugnayan sa mga stakeholders upang agad maibalik sa normal ang load ng kuryente.

Binigyang diin ng Presidente na sa ganitong panahon mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang matiyak ang matatag na supply ng kuryente hanggang sa mga susunod na araw at malagpasan ang kinakaharap na tag-init at El NiƱo.

Nabatid na 19 na mga power generation plants ang pumalya kaya nabawasan ang naisusupply na kuryente sa Luzon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *