Supreme Court nagtalaga ng bagong PIO at spokesperson

Itinalaga ng Korte Suprema si Atty. Camille Sue Mae L. Ting bilang bagong tagapagsalita.

Siya ang unang babaeng tagapagsalita ng SC at ikalimang tao na humawak ng nasabing posisyon.

Kasabay nito ay itinalaga ang dating mamamahayag na si Atty. Mike Navallo bilang bagong hepe ng Public Information Office.

Papalitan ng dalawa si dating Supreme Court spokesperson at PIO chief Brian Keith Hosaka na humahawak ng nasabing dalawang posisyon.

Agad na magsisimula sa trabaho si Ting habang si Navallo at sa Agosto 1 pa ito pormal na magsisimula ang trabaho base na rin sa ruling ng SC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *