Nakapagtala ng isandaan limampu kataong tinamaan ng dengue noong nakalipas na taon ang Lungsod ng Olongapo.
Ito ay base sa talaan ng City Health Office simula noong January hanggang December 2022.
Ayon sa CHO, mild lamang ang mga tinatamaan ng sakit kaya agad ring gumagaling.
Liban pa dito ay nakatulong din ang pagbabara-barangay ng mga tauhan para magbigay ng kaalaman sa mga dapat gawin sakaling may sintomas ng dengue.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
