Milyong-halaga ng mga villa – nadiskubre sa isang POGO hub sa Bamban, Tarlac

Tinatayang aabot sa mahigit kalahating bilyong piso ang halaga ng mga villa sa loob ng compound ng Zun Yuan Technology sa Bamban Tarlac ito ay ayon sa Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Sa naging occular inspection sa loob ng villa ngayong araw kasama ang mga awtoridad, mapapansin ang ganda at laki ng istruktura.

Kung saan sa living area pa lang ay agad nang masasalubong ang tila altar na punung puno ng mga pampaswerte sa Chinese.

Pagtaas naman sa mga palapag, agad makikita ang dekalidad na kwartong tinutuluyan ng mga ito habang ang ilan ay may maganda pang view ng swimming pool.

POGO BAN

“POGO are a hotspot of fugitives”

‘ganyan inilarawan ni Senadora Risa Hontiveros ang mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa sa kabila ng pagpapalit ng mga ito ng pangalang Internet Gaming Licensees (IGL).

Sa naging briefing bago magsimula ang occular inspection ngayong araw sa Zun Yuan Technology Incorporated sa Bamban Tarlac, ibinahagi ng PAOCC na may anim na puganteng Chinese na nahuli rito.

Ang mga nasabing Chinese ang siyang namamalakad sa love scam at cryptocurrency investment scam sa loob ng compound.

Kaugnay nito, parehong ipinanawagan ng senadora at ni Senador Win Gatchalian ang tuluyang pagba-ban sa POGO.

Ngunit nilinaw nila na nakasalalay ang bola ng pag-ban dito sa magiging desisyon ng ehekutibo.

Local officials, pinasususpinde

Ipinunto ni Hontiveros sa naganap na marami pang kailangang ipaliwanag ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan at maging Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kung paano ito nakalusot mula sa kanila.

Alinsunod nito, hiniling ng mga senador na ilagay sa preventive suspension ang mga ito hindi lang ang alkalde nito pero maging ang mga local officials din ng naturang lugar.

Ayon sa senadora, sa patuloy na pag-iimbestiga ng PAOCC marami talagang kailangang sagutin si Mayor Alice Guo tungkol dito.

#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *