Miss Supranational Organization, magdadaos ng tatlong annual pageants sa Agosto

Inanunsyo ng Miss Supranational Organization na isasagawa nito ang 2021 edition ng tatlong annual pageants, ang Miss Supranational, Mr. Supranational, at Miss Polski, sa Festival of Beauty ng Poland mula August 20-22.

Sinabi ng organisasyon na matapos gawin ang maraming edisyon nito noong Disyembre, ay nakakaramdam sila ng sobrang excitement na i-reintroduce ang ganda ng Polish summer sa buong mundo.

Dagdag ng organisasyon, inaabangan na nila ang pagdating ng mga inspirational  men at women candidates mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Mababatid na pipiliin ang Mr. Supranational 2021 at Miss Poland 2021 sa parehong araw, August 21, 2021, habang ang Miss Supranational 2021 naman ay kokoronahan sa August 22, 2021.

Si Miss Supranational 2020 Anntonia Porsild ng Thailand ang magbibigay ng korona sa ika-11 winner ng parehong titolo habang si Mr. Supranational 2020 Nate CrnKovich naman ng Estados Unidos ang magpapasa ng titolo sa ikalimang annual winner.

Matatandaan na si Bb. Pilipinas Universe 2013 Mutya Joanna Datul ang nakasungkit sa ikalimang Miss Supranational crown sa Belarus.

Siya rin ang unang Pilipino at unang Asian candidate na nagkamit sa naturang title.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *