Mister, nangungulila ngayon sa asawa’t mga anak matapos mabigo sa hinangad na ‘swerte’

Dobleng dagok sa buhay ang sinapit ng isang mister na si Johnny Laurente ng Brgy. Panacan, Narra Palawan matapos mawalan ng trabaho at mawalay ng matagal sa asawa’t mga anak.

Kwento nito sa Brigada, dalawang taon niya nang hindi nakikita ang kanyang pamilya matapos silang maghiwalay dahil sa isa niyang desisyon sa buhay na inakala niyang magdadala ng kaginhawaan sa kanila.

Dati raw siyang facility cleaner na kumikita ng maayos subalit sa paghahangad daw na mas mapabuti pa ang kaniya kinikita ay nahikayat siyang sumama at magpa- miyembro sa National People’s Initiative Council Committee (NPICC).

Ang desisyon na iyon ang hindi umano nila pinagkasunduan ng kanyang asawa na humantong sa hiwalayan nila noong taong 2019.

Si Johnny ay isa sa maraming napangakuan na makakakuha ng limang milyong piso mula sa pautang ng gobyerno ng Pilipinas sa ibang mga bansa kaya marami umano siyang isinugal na ari-arian.

Sa programang Tira Brigada kanina, nakapanayam ang General Director ng NPICC na walang katiyakan ang mga ipinangako sa mga miyembro nito kung saan magmumula ang ‘hinahangad na kaginhawaan’ ay napagtanto ni Johnny na maling ang kanyang naging desisyon noon.

Sa kabila ng kabiguan at kahihiyan sa pamilya ay nais muli ni Johnny na makasama ang asawa’t mga anak na aniya’y nasa bayan ng Quezon, Palawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *