Miyembro ng ‘Giray Drug Group’ tiklo sa buy-bust

SORSOGON CITY – Hulog sa kamay ng mga operatiba ang isa na namang miyembro ng Giray Drug Group sa Matnog, Sorsogon.

Kinilala ang suspek na si Freddie Garel Givero, 49-anyos, may asawa at  naninirahan sa Brgy Culasi ng nasabing bayan.

Sa ulat ng Drug Enforcement Unit ng Matnog Police, si Givero umano ay bagitong miyembro ng nasabing drug group, nasa listahan din ito ng Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs at primary target ng Coplan Maragapsagap.

Ikinasa ang operasyon alas 4:20 ng hapon, Enero 11 sa Brgy Bolo kung saan positibo itong nakabenta sa isang operatiba na nagpanggap na buyer ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng P15, 000.00 na buy-bust money.

Matapos ang palitan ng pera at droga, agad na pinosasan ang suspek at sa harap ng mga saksi ay isinagawa ang body search at nabawi dito ang marked money na kinabibilangan ng isang genuine na P500.00 at ang 14 na pirasong P100.00 na replika lamang o boodle money.

Matatandaan na noong buwan ng Oktubre ng nakaraang taon, isa ding miyembro ng Giray Drug Group ang natimbog ng mga awtoridad sa parehong operasyon at bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *