Miyembro ng Office of the Senior Citizen’s Affair sa lungsod ng Sorsogon, mahigit 17K na

Mayroon nang mahigit 17K mga miyembro ang Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) sa lungsod ng Sorsogon.

Sa pahayag ni City OSCA President Aida Mella, sinabi nito na 11K mula sa nasabing bilang ng mga senior citizen ang aydentipikado na mga indigent kung kaya makatatanggap ang mga ito ng pension mula sa lokal at national government.

Aniya, 7K sa mga ito ang tumatanggap ng pension mula sa lokal na pamahalaan na nagkakahalaga ng Php300 bawat buwan at quarterly na ibinibigay sa mga ito.

P4K naman ang mga benepisyaryo ng social pension o ang pension na mula sa national government na nagkakahalaga naman ng P500 kada buwan at inirerelease dalawang beses isang taon o kada anim na buwan.

Samantala, ang natitirang halos nasa 6K ay pensioner naman ng iba’t ibang ahensya tulad ng SSS, GSIS at AFP kung kaya hindi na kwalipikado pa na makatanggap ng nasabing mga benepisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *