MMDA, pag-aaralan ang hindi pagsama ng mga senior citizen sa number coding scheme

Binigyaang diin ng Metropolitan Manila Development Authority na kailangan muna nilang pag-aralan ang panukalang i-exempt ang mga senior citizen sa number coding scheme.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, nais muna nilang malaman ang iba pang detalye ng panukala dahil maramin rin aniya silang natatanggap para sa nasabing exemption.

Sinabi pa ni Artes kailangan ding pag-aaralan nang mabuti kung ano ang magiging epekto ng panukala.

Ipinaliwanag din ng MMDA chief na kung ang mga nakatatanda ay nabigyan ng exemption, maaaring humiling din ang mga taong may kapansanan na hindi isama sa coding scheme.

Sa ngayon, ang mga sasakyan na exempted sa number coding scheme ay ang mga pampublikong sasakyan, transport network vehicles, motorsiklo, marked government vehicles, garbage trucks, fire trucks, ambulances, at mga sasakyang may dalang perishable o essential goods.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *