MNLF at MILF leaders, nagkaharap para sa isang ‘historic’ meeting

Welcome sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) ang “historic” meeting sa pagitan ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari at Moro Islamic Liberation Front (MILF) chairman Ahod Ebrahim, ang dalawang key figures sa decades-long fight ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa autonomy.

Ayon kay Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. na bumisita si Murad, kasama ang Members Parliament (MPs) Abdulraof Macacua, Randolf Parcassio, at Abdulkarim Misuari, sa bahay ni Misuari para sa “first ever meeting” sa pagitan ng Bangsamoro leaders, matapos ang 46  taon na paghihiwalay.

Pagbabahagi ni Galvez, na ang kanilang nakita ay ang reconciliatory position ng Bangsamoro leaders, para sa panawagan ni President Ferdinand Marcos Jr. na pagkakaisa sa bansa.

Dagdag nito, na ang nagkakaisang Bangsamoro ay magbibigay daan ng totoo at inclusive peace, hindi lang sa BARMM, kundi sa buoang bansa.

Dahil dito, mas marami pang magandang bagay ang inaasahang mangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *