Moreno at Ong, inaasahang maghahain ng COC ngayong araw

Inaasahan na ihahain nina Manila Mayor Isko Moreno at ng running mate nito na si Dr. Willie Ong ang kani-kanilang certificates of candidacy para sa pagka-pangulo at pagka-bise presidente ngayong araw.

Sa isang pahayag ay sinabi ng campaign team ni Moreno na sasabay ang filing nito sa Feast of St. Francis of Assisi, na namesake ni Moreno, na ang totoong pangalan ay Francisco Domagoso.

Babagsak rin ang petsa ng filing nito sa kaarawan ng yumaong That’s Entertainment host na si German Moreno, na nagbigay sa alkalde ng break bilang aktor.

Matatandaan na naging konsehal ng Maynila mula 1998 hanggan 2007 si Moreno, at naging bise alkalde mula 2007 hanggang 2016.

Sinubukan rin ni Moreno na tumakbo bilang senador noong 2016, ngunit natalo at noong 2019 naman ay nagwagi ito bilang alkalde ng Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *