Motorista na palipat-lipat umano ng linya, nakabanggaan ng van

Sugatan ang isang motorista sa banggaan ng motorsiklo at van sa Sitio Carañogan, Barangay Malinao Narra, Palawan.

Kinilala ang driver ng van na si Roger Cuivillas Deniega 57 anyos habang ang rider ay si Jaymark Abela Cantor 18 anyos ng Barangay Labog Sofronio Española, Palawan.

Sa imbestigasyon ng Narra Municipal Police, bago ang banggaan ay papunta ang van sa Quezon habang ang motorsiklo ay patungo sa town proper ng Narra bandang alas-kwatro nitong Miyerkules, August 10, 2022.

Napag-alaman sa imbestigasyon na nagpalipat-lipat umano ng linya ang motorsiklo bago nito makabanggaan ang van.

Samanta, agad na dinala kahapon ng MDRRMO ang sugatang motorista sa pagamutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.