MTOP application sa Koronadal, nagpapatuloy

KORONADAL CITY — DAGDAG na 122 na mga indibidwal ang nag-apply para sa Motorized Tricycle Operator’s Permit o MTOP sa lungsod ng Koronadal.

Sa isinagawang regular session ng Sangguniang Panlungsod o SP, i-prenisinta ni City Councilor Franciss Ross Dideles bilang chairman ng Committee on Transportation ang nasabing mga aplikasyon.

Maliban dito, may 222 na mga aplikante rin para sa petitions for renewal ng MTOP; 33 para sa petitions for transfers ng MTOP; at limang petitions for unit substitution ang tinututukan.

Maaalala na hanggang sa ngayon mahigit libo parin ang bakante na mga slots mula sa 2,500 na binuksan ng lungsod para sa MTOP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *