MTRCB, pinatawag ang E.A.T. matapos ang pagmumura ni Wally Bayola

Nag-isyu ng Notice to Appear at Testify ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa production group ng noontime show na E.A.T. matapos ang insidenteng pagmumura ng host na si Wally Bayola noong Huwebes.

Ayon sa inilabas na statement ng MTRCB, nilabag nito ang Section 2 (B), Chapter IV of the Implementing Rules and Regulations of Presidential Decree No. 1986 (PD No. 1986).

Kahapon naman, humingi na ng tawad ang E.A.T. hosts kaugnay sa nagawang pagmumura dahil hindi naman daw sinasadya ang nagawa nito.

Saad naman ni Wally na nagkamali ito at humihingi ng paumanhin at pag-unawa.

Maalalang binigyan rin ng Notice to Appear ang noontime show na Its Showtime ilang linggo lang ang nakalipas matapos ang kontrobersyal na eksena nila Vice Ganda at Ion Perez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *