N. Korea naglunsad ng bagong uri ng ballistic missile

Naglunsad ng  long-range ballistic missile ang North Korea kahapon.

Ayon sa isang South Korean military official, ang missile ay tila isang bagong sandata na ipinakita sa nakaraang North Korean military parades.

Ang missile ay lumipad nang humigit-kumulang 1,000 km na tinawag  na “grave provocation.”

Sinabi ng opisyal , ang pinakamataas na altitude ng missile ay mas mababa sa 6,000km.

Itinaas ngayon ng South Korean military ang kanilang alerto at nakikipag-ugnayan sa kanilang main ally na United States.

Samantala sa isang pahayag mula sa White House, mahigpit nilang kinokondena ang long-range ballistic missile test.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *