Naga City nasa 25% pa lamang ang nagpa-booster shot; mga bakunang hindi nagagamit ibinabalik sa DOH

NAGA CITY – Nasa 25% pa lamang ang nagpapa-booster shot sa target na populasyon ng Naga City.

Kung saan sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Reynor Rodriguez, Vaccination Coordinator ng lungsod, kinokonsidera nila itong “failed” dahil sa halos wala ng nagpapa-booster shot kahit ang venue ay sa mall na komportable na para sa mga babakunahan.

Sa 1st and 2nd dose vaccines sa mga bata o sa mga estudyanteng kalahok sa face to face classes ay nasa 50% below ang naitala, sa adult hanggang senior citizens naman tumaas ang bilang ng mga nagpabakuna, dahil nakuha nito ang herd immunity matapos na mabakunahan ang nasa 90-92% sa mga ito.

Nakakadismaya, ngunit panawagan pa ng opisyal sa publiko na magpabakuna na hanggang sa booster shot.

Ibinabalik naman ng City Government sa Department of Health ang mga bakunang hindi nagamit o bago pa man mag expired.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *