Naga City overall champion sa Modified Palarong Bicol 2023

NAGA CITY- Nagbunyi ang mga atleta, coaches at lahat ng bumubuo ng delagado ng Naga City Division matapos na makuha ang pagiging Modified Palarong Bicol 2023 OVER ALL CHAMPION.

Sa regular sports nakuha ng Naga ang 76 Gold medals, 58 Silver at 69 Bronze. Nasundan ng Camarines Sur sa 56 Golds, 63 silver at 68 Bronze.

Sa Demo Sports naman Rank 1 ang Tabaco City, nasundan ng Legazpi City. Sa Paragames, nanguna ang Probinsya ng Albay sumunod ang Naga City. Inaanunsyo ng Naga City Government ang insentibo para sa mga atleta.

Sa awarding Ceremony sa Naga, sinabi ni Department of Education Regional Director Gilbert Sadsad, na generally peaceful at matagumpay ang modified palaro. Nadevelop dito ang holistic development ng mga bata, training ground din ito sa mga bata. Aminado si Sadsad na may mga pagkukulang, naging economical aniya ang expenses at buong pusong tinanggap ng DepEd ang mga nararapat na baguhin o iimprove sa susunod pang mga palaro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *