Naga CSWDO, nakakapaglabas ng P100K para sa AICS araw-araw

NAGA CITY –Umaabot ng mahigit 22 milyong piso ang nailabas na pondo ng City Social Welfare and Development Office para sa pagpatupad ng  Assistance to Individual In Crisis Situation Program o AICS mula Enbero hanggang Nobyembre ngayong taon.

Araw-araw halos nasa P100,000.00 ang pinakamataas na cash assistance na nailalabas para sa mga benipisyaryong mga taga lungsod. Mas tataas pa ang halagang ito lalo na ngayong Disyembre na mas marami pa ang inaasahan nilang hihingi ng tulong. Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Annabelle Vargas, head ng CSWDO kaugnay sa AICS Program ng kanilang opisina.

Ayon kay Vargas, mas mataas ang naibibigay nila sa hospitalization hanggang sa burial lalo pa kung talagang indigent ang humihingi ng tulong ay binibigyan nila kaagad kung kumpleto  ang mga papeles o dokumentong hinihingi nila.

Kaugnay nito,bawas na na rin ang requirements na hihilingin nila sa mga benipisyaryo dahil hindi na sila hihingi ng certificate of indigency mula  ngayong Disyembre  , batay sa bagong patakaran ng DSWD central office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *