Naghain ng COC umabot sa mahigit 400 – Comelec Sorsogon

SORSOGON CITY – Kabuuang 475 ang bilang ng mga aspirante na naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) sa ibat-ibang posisyon sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa datos na ibinigay sa Brigada News ng Comelec-Sorsogon, nakasaad sa kanilang official record na may 5 aspirante ang naghain ng kandidatura sa pagka-Gobernador, tatlo sa pagka-Bise Gobernador, 7 para sa House of Representative (HOR) at 24 na COCs sa pagka-Board Members.

Sa mayoralty race naman ay naghain ng COCs ang 44 na aspirante, 36 sa pagka-Bise Alkalde sa bawat munisipyo at syudad habang may 356 na aspirante para sa pagka-Konsehal.

Ayon pa sa Comelec-Sorsogon, dadaan muna sa proseso ng pagsasala sa Comelec Central Office ang mga kandidato para tiyaking hindi sila ‘-nuisance candidate’ o panggulong kandidato lamang, bago tuluyang ideklarang official candidate para sa Halalan 2022.

Inaasahan na sa Disyembre ay maisasapinal na ng Comelec ang listahan ng mga opisyal na kandidato para sa susunod na eleksiyon.

Itinakda din ng Comelec na sa Nobyembre 15 ang deadline para sa substitution ng mga kandidato at ito ang isa sa mga inaantabayanan nila sa ngayon.

Dito aniya mabibigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na maghain ng kanilang substitution mula sa kanilang political party.

Kaugnay nito, nagpaalala ang Comelec na walang karapatan na mag-substitute ang mga kandidatong walang partido, o independent candidate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *