Nang dahil sa surot, babae nasunog

Maliit man sa iyong paningin, mapapatili ka rin, sila ang mga surot.

Sino ba naman ang gugustuhing pamahayan ng surot ang kanyang gamit, upuan man o higaan?

Sa Amerika, isang 31-anyos na babae ang nagtamo ng second degree burns matapos niyang tangkaing sunugin ang mga surot sa loob ng kanyang sasakyan.

Ayon sa report ng Oakland County Sheriff, nakaranas ng panic attack ang babae dahil sa mga surot kung kaya tinangka niya ang mga itong patayin sa pamamagitan ng pagbuhos sa mga ito ng rubbing alcohol.

Hindi pa ito nakuntento sa pangambang baka buhay pa ang mga surot ay sinigaan niya ang mga ito kasama na ang sasakyan.

Ang hindi niya inaasahan ay madadamay siya sa sunog. Agad naman itong naisugod sa ospital. || Shiela Madrigalejos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *