NCMH, dapat tratuhing “dinosaur”  pagdating sa isyu ng katiwalian – Tulfo

Dapat umanong tratuhing “dinosaur” pagdating sa isyu ng katiwalian ang National Center for Mental Health.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography, ginisa ni Sen. Raffy Tulfo ang pamunuan ng NCMH dahil sa pagpapabaya umano ng mga pasyente.

Ayon sa senador, may isyu sa outsourcing ng pagkain sa ospital dahil lumobo ang pondo para sa pagkain ng mga pasyente sa P250 million mula sa dating P80 million lang.

Base rin aniya sa mga dokumento ay sa unang taon lang nagkaroon ng bidding para sa pagkain at sa mga susunod na taon ay renewal na lang ng kontrata ang nangyari.

Bagamat ikinatuwa ni Sen. Tulfo ang nakita nilang improvements sa ilang pasilidad ng NCMH, nagbabala naman siya sa ilang opisyal ng  na bilang na ang mga araw nito.

Sa tulong ng mga kasamahan sa Senado, tiniyak ni Tulfo na aalisin niya ang koprapsyon sa naturang pasilidad.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *