NBA: Hawks na naka-una na kontra Bucks sa ECF series

Tinalo ng Atlanta Hawks ang Milwaukee Bucks sa sariling home court nito sa pagsisimula ng best-of-seven series ng NBA Eastern Conference Finals, 116-113.

Iginiya ni Trae Young sa panalo ang kanyang koponan matapos humakot ng playoffs career-high 48 points kasama ang 11 assists.

Dinagdagan naman ito ni John Collins ng 23 points at 15 rebounds.

Unang lumayo ang Hawks sa 3rd period subalit nagpakawala ng mini-run ang Bucks at lumamang pa ito ng limang puntos sa huling tatlong minuto ng laro.

Subalit sa pamamagitan ng dalawang tres nina Young at Collins ay agad na nakabalik ang Atlanta.

Samantala sa panig ng Bucks nagtala ng 67 combined points sina Giannis Antetokounmpo at Jrue Holiday na bigong makahanap ng magandang tira sa nalalabing segundo ng laban.

Muli naman maghaharap ang dalawa sa Game 2 sa Sabado, sa homecourt pa rin ng Milwaukee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *