NCIP, rereviewhin ang kontrata umano ni Whang-Od sa Nas Daily

Iimbestigahan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) – Cordillera Adminsitrative Region ang kontrata na pinirmahan umano ng traditional tattoo artist na si Whang-Od kasama ang vlogger na si Nas Daily.

Kamakailan ay nakaranas ng samu’t-saring pambabatikos ang nasabing vlogger matapos sabihin ng apo ni Whang-Od na si Gracia Palicas na “scam” ang inaalok na online course ng Nas Daily na tungkol sa pambabatok ng kaniyang lola.

Ipinunto rin ni Gracia, sa post nito na deleted na mula sa Facebook, na hindi aware ang kaniyang lola sa anumang kontrata na may kinalaman sa Whang-Od Academy na naka-post sa website ni Nas Daily.

Ayon kay Attorney Marlon Bosantog ng NCIP-CAR, rereviewhin nila kung nagkaroon ba ng informed consent  sa nasabing kontrata sa pagitan nina Nas Daily at Whang-Od.

Sinabi ni Bosantog na meron intellectual property claims ang mga indigenous peoples sa sining ni Whang-Od.

Kahapon lamang ay nagpakita si Nas Daily ng video ni Whang-Od na tinatatakan ang naturang kontrata gamit ang kaniyang thumb print.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *