Net satifaction ratings ni PRRD nanatiling mataas, 4-buwan bago bumaba sa pwesto – SWS

Nanatiling mataas ang net satisfaction rating sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte ilang buwan bago tuluyang matapos ang kanyang termino.

Ito ay matapos makuha ng Pangulo ang “very good” net satisfaction rating sa Fourth Quarter 2021 Social Weather Survey (SWS).

Ayon sa SWS sinagawa ang survey sa buong bansa mula Disyembre 12 hanggang 16, 2021 gamit ang mga face-to-face interviews sa 1,440 respondents na may edad 18-taong gulang pataas.

Lumabas sa pag-aaral na 75% ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ang nasiyahan, 9% ang hindi nagdesisyon habang 15% ang hindi nasisiyahan sa pagganap ni Duterte sa kanyang tungkulin.

Mataas naman ang naturang bilang ng 8 puntos mula sa 67% noong September 2021.

Ang 8-puntos na pagtaas, ayon sa SWS, ay dahil sa pagtaas sa Metro Manila at Balance Luzon, kasama ng matatag na ‘excellent’ net rating sa Mindanao at ‘good’ naman sa Visayas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *