Crown Prince ng UAE pinasalamatan ni PRRD nang makausap sa telepono

Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Abu Dhabi Crown Prince at Deputy Supreme Commander ng United Arab Emirates Armed Forces, Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, sa tulong na ibinigay ng UAE sa Pilipinas para labanan ang pagkalat ng Covid-19 partikular sa Bangsamoro region.

Sa opisyal na pahayag ng Office of the President , ipinaabot ni Duterte ang kanyang pasasalamat sa Crown Prince sa isang pag-uusap sa telepono noong Martes.

Nagpasalamat ang Pangulo sa Crown Prince para sa tulong ng UAE sa Covid-19 kabilang na ang mga ibinigay nitong medical supply, personal protective equipment at 100,000 doses ng mga bakunang Hayat Vax na nagpalakas ng pagbabakuna sa BARMM.

Muli rin ni pinagtibay ni President Duterte at ng Crown Prince ang pangako na higit pang palakasin ang relasyong bilateral ng Pilipinas-UAE.

Kasabay nito binati ng Pangulo ang UAE sa ika-50 Founding Anniversary nito at nagpahayag ng pasasalamat sa pangangalaga at pagmamalasakit sa halos 600,000 Pilipinong naninirahan sa UAE.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *