Norway, naitala ang una nitong 2 kaso ng Omicron variant

Natukoy ng Norway ang una nitong dalawang kaso ng bagong Omicron variant ng COVID-19 sa west coast municipality ng Oeygarden.

Sinabi ni Oeygarden mayor Tom Georg na nahawaan ang dalawa sa kanilang pagbyahe sa South Africa.

Ayon kay Georg, kasalukuyan na silang nagpapagaling mula sa infection.

Samantala, balak naman ng munisipalidad, na tahanan para sa 40,000 katao, na maghigpit ng local restrictions upang makontrol ang outbreak.

Noong Biyernes ay nagpatupad na ang Norway ng quarantine para sa kahit sinong byahero na manggagaling sa South Africa o sa mga karatig nitong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *