NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Masbate

SORSOGON CITY – Patay ang isang hinihinalang kasapi ng New People’s Army (NPA) sa nangyaring engkwentro sa bayan ng Uson, sa pagitan ng mga tauhan ng Masbate 1st at 2nd Prov’l Mobile Force Company, Prov’l Intelligence Unit ng Masbate Police Provl Office at ng Uson Police, kaninang madaling araw, Hulyo 12.

Batay sa ulat, nagsagawa umano ng Internal Security Operations ang nasabing tropa nang pagdating nila sa Purok 3, Brgy Dapdap ng nasabing bayan ay bigla silang pinaulanan ng bala ng hindi madeterminang bilang ng mga rebelde.

Nagtagal ng limang minuto ang naging palitan ng putok ng magkabilang panig hanggang sa umatras ang mga rebelde. Walang naiulat na sugatan sa hanay ng mga pulis subalit dakong alas 8:30 ng umaga, sa isinagawang clearing operations ay natagpuan nila ang isang NPA na sugatan at wala nang buhay, sa tabi nito ay ang armas na M16 rifle.

Sa pinangyarihan naman ng engkwentro ay narekober ng tropa ang isang M16 rifle na kargado ng 15 bala, isang improvised explosive device (IED), ibat-ibang personal na kagamitan ng mga tumakas na rebelde at mga confidential at subersibong dokumentos.

Wala pang pinapalabas na pangalan sa nasawi na NPA ang Uson Police.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *