NSC – hinikayat ang DOJ na ikonsidera ang ‘legal actions’ laban kay Alvarez

Hinikayat ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año sa Department of Justice na ikonsidera ang legal action laban kay Davao Del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez

Ito’y kaugnay pa rin ng kanyang panawagan nang pag-withdraw ng suporta ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National police sa administrasyon Marcos.

Sa isang pahayag, sinabi ni Año na ang naturang pahayag mula sa isang opisyal ng pamahalaan at reserve officer, ay hindi lang iresponsable, kundi ilegal at unconstitutional

Maari pa aniyang ituring bilang seditious o rebellious ang naturang pahayag, na walang lugar sa lipunan.

Dagdag ni Sec. Año, hindi dapat idinadamay ng kahit sino ang AFP at PNP sa kanilang political agenda at personal na interes, kahit na sinasabi ni Alvarez na bugso lang ng emosyon ang kanyang pahayag.

NAVY INVESTIGATION

Hinihintay ng Philippine Navy ang magiging resulta ng imbestigasyon ng 9th Marine Brigade kay Philippine Marine Reservist Col. Pantaleon Alvarez.

Ito’y para madetermina ang kanilang magiging sunod na hakbang.

Nauna nang pinaimbestigahan ng Philippine Navy at pinakukuha ang paliwanag ni Rep. Alvarez kaugnay ng kanyang pahayag.

Muli namang tiniyak ng Philippine Navy na sila ay professional organization at kasama ang Armed Forces of the Philippines na nananatiling tapat sa konstitusyon, sa chain of Command, at sa Pangulo ng Pilipinas bilang kanilang Commander in Chief.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *