NTC, nagtala ng 11.38% pa lamang na narehistro mula sa 168.9M SIM cards sa Pilipinas

Papalo pa lamang sa 11.38 percent mula sa halos 170 million existing Subscriber Identity Module (SIM) cards sa Pilipinas ang nakapagparehistro.

Sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC), ito ay katumbas sa kabuoang 19,229,285 SIMs mula sa 168,977,773 existing cards sa bansa.

Batay sa tally, ang Smart Communications Inc. ang may pinakamataas parin na bilang ng mga registrants sa 9,291,700 – as of Jan. 13, na sinundan ng Globe Telecom sa 8,274,629 at Dito Telecommunity sa 1,662,956 registered SIMs.

Mababatid na tapos na ang 15-day trial period sa SIM Registration, ang term kung saan inaasahan ang mga glitches at technical difficulties dahil sa ‘newness’ ng naturang hakbang.

Ibig sabihin, maasahan na ngayon ng publiko ang mas convenient na registration process.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *