Olympic jersey ni Jordan, naibenta ng mahigit $3 milyon sa isang auction

Naibenta ng mahigit $3 milyon sa isang auction ang jersey na isinuot ni basketball star Michael Jordan noong 1992 Summer Olympics.

Ang jersey ay isinuot ni Jordan sa semi-final round laban sa Lithuania. May mga pirma pa ito ng lahat ng 12 miyembro ng koponan.

Nagsama-sama noon sa olympics ang U.S. basketball team, na binansagang “The Dream Team”, kasama ni Jordan si Larry Bird at Magic Johnson.

Matatandaang isa pang jersey na isinuot ni Jordan sa opening game ng 998 NBA Finals ang naibenta ng mahigit $10 milyon sa isang auction noong Setyembre.

Ito ang bagong record bilang pinakamahal na game-worn sports memorabilia sa kasaysayan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *