Tatanggap na mula ngayong araw ng online filing para sa Maternity Benefit Application at Maternity Benefit Reimbursement Application ang Social Security System o SSS.
Ito ay sa pamamagitan ng My.SSS sa portal nito sa SSS website alinsunod ito sa mandatory implementation na epektibo sa September 1, 2021.
Papayagan pa ang dropbox o over the counter filing sa mga SSS branch hanggang sa ika-31 ng Agosto ngayong taon.
Layon ng online filing na mabawasan ang face-to-face transaction lalo na ngayong pandemic.
Bahagi rin ito ng unti-unting digitalization na ginagawa ng Social Security System o SSS.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO