Isang ‘maternity center’ sa Florida, pato ang pasyente

Kakaibang pasyente ang natanggap ng Baptist Medical Center Beaches sa Jacksonville Beach, Florida kung saan isang pato ang binantayan nila habang napipisa ang mga itlog nito.

Ayon sa Facebook post ng ospital matapos na mapisa ang sampung itlog ng nasabing pato ay sinamahan ito ng kanilang mga empleyado papalabas ng gusali.

Ang bakuran umano ng ospital ay walang daanan palabas kaya’t kinailangan nitong maglakad at dumaan sa loob ng establisyemento na nag udyok sa mga empleyado upang samahan ito papalabas.

Habang naglalakad paalis ang mga pato ay nagsisigawan sa tuwa ang mga empleyado habang sinasabi ang mga katagang “Congrats, Mama! We’ll see you in six weeks for your follow-up.”### ROWELYN SARALDE, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *