Outgoing Daet Bishop ipinagdarasal umano na makapagtalaga agad ang Vatican ng kaniyang kapalit

CAMARINES NORTE – Ibinahagi ni Outgoing Daet Bishop at incoming Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon na ipinagdarasal niya na makapagtalaga agad ang Santo Papa nang magiging kapalit niya na magiging lider ng mga katoliko sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa kaniyang misa nitong Good Shepherd Sunday, April 21, ilang araw bago siya italagang bagong Arsobispo ng Caceres sa Lungsod ng Naga, sinabi ni Alarcon na habang ipinagdarasal niya na magkaroon agad ng bagong Obispo ang Daet ay maraming Diocese umano ang hanggang sa ngayon ay wala pa ring Obispo. Sa kabila nito, ipinaalala ng Alarcon na hindi pababayaan ng Diyos ang Diocese na magdiriwang ng golden jubilee ng pagkakatatag nito ngayong taon.

Muli ring nagpasalamat ang Obispo sa mga taga Camarines Norte at sa pagkakataon na nakapaglingkod siya sa Diocese of Daet. Batay sa tala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, halos sampung Diocese sa ngayon ang walang Obispo dahil sa pagkamatay, pagreretiro at transfer. Noong 2017 kung kailan huling naging “sede vacante” o vacant see ang Daet, inabot ng dalawang taon bago nagkaroon muli ng bagong Obispo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *