BIR muling nanawagan sa mga hindi pa nag- aavail ng estate tax amnesty

CAMARINES NORTE – Nanawagan muli ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga hindi pa nag- aavail ng estate tax amnesty na gawin na ito ngayon upang maging magaan ang pagbabayad.

Ayon kay Revenue District Officer Reymarie Dela Cruz, hanggang sa Hunyo ng susunod na taon na lang ito makaraang palawigin ng makailang ulit.

Sa ilalim ng umiiral batas na nagpapalawig sa amnestiya ay pinalawig rin ang saklaw nito kung saan sakop na rin ang mga ari-arian ng mga indibidwal na pumanaw bago ang May 31, 2022.

Pwede na ring mag-file at magbayad online ng Estate Tax Amnesty Return (ETAR) ang executor o administrator, mga heirs o tagapagmana.

Papayagan rin ang installment payment sa loob ng dalawang taon mula sa statutory date ng bayad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *