Over speeding nangungunang sanhi ng mga road crashes – LTO Naga

NAGA CITY – Umaabot sa 1.35 milyon bawat taon ang naitatalang road crashes sa buong mundo kung saan over speeding ang pangunahing nagiging sanhi nito.

Ito ang napag-alaman kay Grace Rojas, Land Transportation Officer ng Naga sa ginawang Media Conference kasama ang Philippine Information Agency.

Binigyan diin niya dapat sundin ng bawat nagmamaneho ang tamang bilis ng takbo ng sasakyan na nakapaloob sa Republic Act 4136, Section 35-36, na kung nasa kalsada ng mga lungsod at bayan ay parehong 30 kilometer per hour dapat ang takbo ng pampubliko o pribadong motosiklo, kotse, truck at bus.

Minsan sa kakamadali nababalewala ang mga road signage sa kahabaan ng kalsada kaya nagiging madalas rin ang mga road accident.

Kailangan ang proper maintenance o regular checking sa mga sasakyan at higit sa lahat ang magandang kondisyon ng mga nagmamaneho bilang ibayong pag-iingat sa sarili, maging sa kapwa.

Ayon pa kay Rojas kadalasan pang nagiging violation ng mga motorista ay ang hindi tamang pagsusuot ng helmet, ang iba hindi certified quality ang gamit na helmet o walang tatak na ICC, wala ring proper document o driver’s license o unregistered ang iba na kung maaksidente man ay walang insurance na makukua o tulong mula sa Phil health.

Napag-alaman naman kay Dr. Rey Millena ng Department of Health Camarines Sur, sa record ng Bicol Medical Center tumaas rin ang bilang ng mga vehicular accident, halos ang average kada buwan 400 ang naitatala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *